Lalaking nagkunwaring pulis para makapangikil, timbog sa CDO

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 07:01 PM

CAGAYAN DE ORO—Timbog ang isang lalaki sa bayang ng Baungon, Bukidnon Miyerkoles matapos umanong magkunwaring pulis para mangikil sa mga nagtitinda sa Bulua Fish Landing sa lungsod na ito.

Ayon sa pulisya, ilan sa mga nagtitinda ang nagreklamo matapos silang takuting magbigay ng pera habang bitbit ang isang armas.

Ayon kay Police Exec. Master Sgt. Armand Hernaez ng Bulua Police Station, natunton nila ang lalaki sa motorsiklo na ginamit nito base sa video na kinunan ng mga nagtitinda.

Nang matunton ang bahay ng suspek, ay nakakuha ang pulisya ng impormasyon na sa bayan ng Baungon ito nagtatago.

May ilang biktima rin ang nagtungo sa mga awtoridad para magreklamo sa suspek.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang suspek na sasampahan ng kasong robbery extortion.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.