Brrr! Temperatura sa Baguio bumagsak sa pinakamalamig sa loob ng 4 buwan

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 11:25 AM | Updated as of Jan 04 2020 07:05 PM

Watch more in iWantTFC

BAGUIO CITY - Bumagsak sa 11.4 degrees Celsius ang temperatura sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines nitong Sabado.

Ito na ang pinakamababang temperaturang naitala sa siyudad simula buwan ng Setyembre ng nakaraang taon.

Ayon sa weather bureau PAGASA, bunsod ito ng amihan o northeast monsoon na nagdadala ng malamig na hangin.

Sa Atok, Benguet naman, bumaba sa 7 degrees Celsius ang temperatura ngayong araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.