Blessed Sacrament ninakaw sa simbahan sa Negros Oriental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 11:18 AM

Isang 24-hour vigil ang ginanap sa pangunguna ng St. Augustine of Hippo Parish sa bayan ng Bacong sa Negros Oriental matapos mawala sa simbahan ang Blessed Sacrament noong Enero 2.

Ayon sa Bacong Police, katatapos lang ng misa noong Huwebes nang mapansin ng katiwala na nawawala ang Blessed Sacrament na nakalagay sa monstrance sa loob ng Adoration Chapel ng simbahan.

Nakatakda rin ang isang prosisyon para manawagan na maibalik ang Blessed Sacrament.

Kabilang ito sa ginagawang Act of Reparation sa nangyaring paglapastangan sa simbahan.

Kasabay sa panawagan ng simbahan ay humingi rin ng tulong ang mga pulis sa publiko para matukoy kung sino ang kawatan na tumangay sa Blessed Sacrament.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.