Nakuha ng mga salarin ang P300,000 cash, 4 na cellphone, at 1 laptop. Retrato mula kay Charmane Awitan, ABS-CBN News
BAROBO, Surigao del Sur — Isang bahay ng negosyante sa bayang ito ang pinasok ng mga armadong lalaki pasado alas-11 ng gabi Huwebes.
Ayon sa pulisya, may suot na bonnet ang tatlong salarin na may bitbit na hindi pa tukoy na mga armas.
Nakuha nila ang P300,000 cash, 4 na cellphone, at 1 laptop.
Hindi naman sinaktan ng mga lalaki ang mga tao sa loob ng bahay.
Napag-alaman na nagpapatakbo ng sari-sari store at pautangan ang biktima.
May persons of interest nang natukoy ang mga pulis habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa krimen.
—Ulat ni Charmane Awitan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, krimen, rehiyon, regional news, RNG, Surigao del Sur