4 arestado sa buy-bust operation sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 09:36 AM | Updated as of Jan 04 2020 07:10 PM

Watch more in iWantTFC

Apat ang arestado sa isang buy-bust operation sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.

Aabot sa P238,000 ang halaga ng 35 gramo ng hinihinalang shabu na nasabat sa mga suspek.

Ayon kay Police Capt. Tamon Acquitan ng drug enforcement unit ng Northern Police District, napag-alaman nilang nagbebenta umano ng ulam sa loob ng Caloocan City Jail ang babaeng suspek, na asawa ng isa sa mga nakapiit doon

Sa ngayon, inaalam na rin kung nagbebenta siya ng ilegal na droga sa loob ng kulungan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.