3 huli sa buy-bust sa harap ng simbahan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 01:36 PM


MAYNILA - Arestado ang tatlong drug suspek sa isang buy-bust operation sa harap ng Sto. Domingo Church sa Quezon City. 

Naaresto ng Quezon City Police District ang mga suspek matapos mabilhan ng hinihinalang "shabu" ang target ng operasyon na si alyas "Em." 

Naaresto rin malapit sa simbahan ang dalawa pang umano'y kasabwat ni Em. 

Nasa mahigit P200,000 ang halaga ng nasamsam na hinihinalang droga sa mga suspek. 

Nahulihan din ng armas ang mga suspek. 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms ang mga suspek. 

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.