2 truck nagbanggaan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 04:51 AM

Nagbanggaan ang dalawang truck matapos umanong hindi kumagat ang preno ng isa sa mga ito sa Project 4, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Ang mga minamanehong sasakyan ay parehas na mula sa T.L. Tadeo Hauling Services na may bitbit na graba.

Isinugod sa ospital ang isa sa mga driver dahil sa inindang sakit sa dibdib matapos umano tumama sa manibela. — Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.