Pagsara sa Estrella-Pantaleon Bridge tuloy na sa Enero 12

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2019 06:06 PM

Itutuloy na ang pansamantalang pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge o Rockwell bridge na nag-uugnay sa mga lungsod ng Makati at Mandaluyong simula alas-8 umaga ng Enero 12 (Sabado). 

Nauna itong isinara noong Setyembre 2018, ngunit bigla na lang binuksan muli at sinabing sa Enero na sisimulan ang proyekto para magbigay-daan sa holidays. 

Magtatagal hanggang 2021 ang proyekto, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). 

Layon ng proyektong mapalawak ang tulay sa apat na lane mula sa kasalukuyang dalawang lane. 

Pinayuhan ang mga motorista na gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta.

Nasa 100,000 na sasakyan araw-araw ang bumabaybay sa Estrella-Pantaleon bridge.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.