Mag-live-in partner, tiklo sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2018 04:40 AM

Arestado ang mag-live-in partner sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Payatas, Quezon City, Miyerkoles ng gabi.

Huli sa loob mismo ng kanilang bahay si Charlie Dacuyan, 28-anyos at isang mangangalakal ng basura, pati si Robeliza Arguta, 28.

Isang sachet ng hinihinalang shabu ang unang nakuha sa kanila. Nang ininspeksyon ng pulis ang bahay nila, may nakita pa silang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Nasa Quezon City Police District Station 6 ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.