Bata, biktima ng hit-and-run sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2018 01:53 AM

Nabiktima ng hit-and-run ang isang bata sa Roxas Boulevard, Maynila Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa isang testigo na si Mark Ordano, naglalaro umano ng habol-habulan ang biktima kasama ang apat na iba pa.

Nabundol ang bata ng isang itim na SUV nang tumawid siya mula sa northbound ng Roxas Boulevard papuntang southbound.

Patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlang ng biktima.

Sa ngayon, may nahuli ang Police Community Precinct 1 ng Pasay police na hinihinalang suspek sa pagsagasa sa bata. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.