2 lalaki, arestado matapos nakawin ang motor ng pulis

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2018 06:04 AM

Arestado ang dalawang lalaki matapos umanong nakawin ang isang motorsiklo na pagmamay-ari ng isang pulis.

Kinilala ang mga suspek na sina Isaganie Dalena, 29, at Rodney Pusiso, 26, na kapwa nakatira sa F. Varona St., Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Station 1, iniwan lang ni PO2 Ericzaldy Madarang ang kaniyang motorsiklo sa parking area sa Panday Pira St. nang tangayin ito ng mga suspek.

Nalaman na lang daw ni Madarang ang nangyari nang ipabatid ito ng kanyang hipag.

Sa tulong ng mga barangay officials, natukoy ang mga suspek at narekober ang motorsiklo ng biktima na isang Yamaha Mio Soul 115.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.