NAPOLCOM vice chair Rogelio Casurao, pumanaw na

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2021 07:51 AM

Pumanaw na ang Vice Chairman at Executive Officer ng National Police Commission na si Atty. Rogelio T. Casurao.

Kinumpirma ito sa ABS-CBN News ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana nitong Linggo.

Sa Facebook page ng NAPOLCOM, nagpahatid ang komisyon ang pakikiramay. Ipagpapatuloy umano nito ang mga nasimulan ni Casurao sa maraming taon nitong pagsisilbi sa komisyon.

Magkakaroon ng misa at pag-aalay ng rosaryo at novena mula Lunes hanggang Biyernes sa ika-walong palapag ng NAPOLCOM building.

Sa Arlington Chapel sa Araneta, Quezon City ibuburol ang labi ni Casurao. Bubuksan ito sa publiko sa araw ng Lunes at Martes.

Bago ma-upo sa komisyon si Casurao, nagsilbi siyang konsehal sa Calbayog City sa Samar. Nagsilbi rin siyang Chairman ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ng Calbayog City, at General Legal Counsel ng Philippine Councilors League mula pa noong 2013. 

Naging Vice-President rin si Casurao ng Samar Chapter ng Integrated Bar of the Philippines.

Watch more in iWantTFC