Lalaking sumasayaw sa gitna ng kalsada sa Davao City, nahagip ng motor, patay

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2021 12:44 PM

Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng motorsiklo habang nagsasayaw sa kalsada sa Davao City nitong Enero 1, 2021. Screengrab

Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng motorsiklo habang nagsasayaw sa gitna ng kalsada sa Davao City noong hatinggabi ng Biyernes o Bagong Taon.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi bilang si Raol Mandaget, 60 anyos.

Nasawi rin sa insidente si Joviemar Caybot, ang 21 anyos na motorcycle rider na nakabangga kay Mandaget.

Sa kuha ng video sa insidente, mapapanood si Mandaget na sumasayaw sa gitna ng highway sa Barangay Calinan Proper nang mahagip siya ng humaharurot na motorsiklo, na kaniyang ikinasawi.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, walang suot na helmet si Caybot nang mangyari ang insidente.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.