Halos 300 taga-Capiz lumikas kasunod ng operasyon ng militar at pulisya

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2021 04:09 PM

Daan-daang residente ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa Tapaz, Capiz kasunod ng pamamaril at pag-aresto sa ilang pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army noong nakaraang buwan. Retrato mula kay Jeffrey Giganto

Halos 300 indibiduwal mula sa bayan ng Tapaz, Capiz ang lumikas dahil sa takot, matapos ang operasyon laban umano sa ilang hinihinalang miyembro ng New People's Army sa lugar, kung saan may 9 ang nasawi.

Nasa 60 pamilya o halos 300 tao mula Barangay Lahug ang lumikas nitong Biyernes dahil sa takot kasunod ng operasyong nangyari noong nakaraang buwan.

Pansamantala silang nakikituloy ngayon sa isang civic center sa parehong bayan.

Siyam ang napatay ng militar at pulisya habang 17 ang naaresto sa pagsisilbi ng mga warrant sa anila'y mga hinihinalang rebelde sa Tapaz at Calinog sa Iloilo.

Pero, ayon sa grupong PAMANGGAS, ang mga napatay ay pawang kasapi umano ng indigenous organization na Tumandok nga Mangunguma nga Nagapangapin sa Duta kag Kinabuhi.

Nauna nang binatikos ng ilang grupo ang operasyon at iginiit na hindi mga miyembro ng NPA ang mga napatay.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.