Sanga bumagsak sa swimming pool sa Bukidnon; 1 patay, 3 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2020 03:13 PM

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang tatlong menor de edad nang mabagsakan ng higanteng sanga ng puno ng Balete sa Quezon, Bukidnon. 

Ayon kay Police Col. Roel Lami-Ing, direktor ng Bukidnon Police, lumalangoy sa Luan-Luan swimming pool ang mga biktima nang biglang bumagsak ang sanga na may 30 talampakan ang haba. 

Dead on arrival ang 56 anyos na si Matranillo Cabaltero habang nagpapagamot ang tatlong bata. 

Palaisipan sa pulisya kung paano biglang naputol ang sanga ng puno. 

Wala kasing senyales na nilagare ang puno at hindi ito dinaanan ng bagyong "Ursula." 

Posibleng mapanagot ang may-ari ng pool kapag napatunayang may kapabayaan sa insidente. 

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.