PatrolPH

PANOORIN: Pulis sa Cebu nakipagsabayan sa ‘Tala’ dance craze

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2020 01:27 PM

Isang pulis ang nagpamalas ng kaniyang talento sa kinaaaliwang dance craze sa kanta ni Sarah Geronimo na "Tala". 

Ipinakita ni Patrolman Christian Dabuco ng Cebu City Police Office ang kaniyang swabeng pagsayaw sa muling sumikat na kanta ni Geromino.

Watch more on iWantTFC

Nag-viral na rin ang video na unang nai-upload ni Dabuco sa kaniyang Facebook page noong Disyembre 30, 2019.

Umani na ito ng 103,000 na reactions at nai-share na rin ng higit sa 103,000 beses.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.