2 bus at van sa Eastern Samar, natabunan ng landslide

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2020 11:33 PM

EASTERN SAMAR—Dalawang pampasaherong bus at isang van ang natabunan ng malaking landslide sa Barangay Binaloan, bayan ng Taft, Biyernes ng hapon.

Photo by DPWH Eastern Samar

Bago ang naturang insidente, nagkaroon pa ng dalawang landslide sa lugar sa umaga dahil sa mga pag-ulan, ayon sa Department of Public of Works and Highways Eastern Samar.

Pansamantala rin muna nilang pinahihinto ang clearing operation para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Ayon kay Police Lt. Ruben Caspe ng Taft Philippine National Police, ligtas na nakalabas agad ang mga sakay ng mga sasakyan. — Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.