PatrolPH

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2019 03:52 AM | Updated as of Jan 03 2019 07:44 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa Tondo, Maynila Miyerkoles ng gabi.

Balot ng packaging tape ang ulo nito at nakagapos din ang mga kamay at paa.

Walang nakuhang pagkakakilanlan sa lalaki na nakasuot ng itim na jacket, khaki shorts, at green na sapatos.

Nadiskubre ring may mga latay at pasa ang katawan nito. Sa shorts, nakuha naman ang 2 pakete ng hinihinalang shabu.

Watch more on iWantTFC

Kuwento ng nakadiskubre sa bangkay, may kukunin sana sila na container van sa Road 10, Barangay 128 alas-10:30 ng gabi.

Laking gulat nalang niya at ng kasamang drayber at isa pang pahinante nang madiskubre ang katawan ng tao sa likod ng container.

Agad nila itong inireport sa nagpapatrolyang pulis.

"Inatras namin 'yung trak dun. Baka mapagkamalan pa kami eh," aniya.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang dahilan sa pagkamatay ng lalaki. - ulat nina Ernie Manio at Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.