3 preso, huli sa 'drug session' sa loob ng Lipa City Jail

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2019 04:21 AM

LIPA CITY, Batangas - Tiklo ang 3 detainee matapos mahuli na gumagamit umano ng droga sa loob ng Lipa City Jail.

Base sa paunang ulat, nagsagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ng kulungan matapos makatanggap ng report ukol sa nagaganap na drug session sa male dormitory.

Narekober sa mga suspek ang iba't ibang drug paraphernalia. Nakakulong sila dahil din sa kaso ng droga.

Sasampahan sila ulit ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Iimbestigahan naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung paano naipuslit sa loob ng kulungan ang droga. - ulat ni Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.