Mga karinderya, tindahan, inabisuhan na sa taas-presyo ng soft drinks

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 11:47 AM

Inabisuhan na ng mga distributor ng malalaking manufacturer ng soft drinks at iba pang mga sugar-sweetened drinks ang mga karinderya at sari-sari store na tataas na ang kanilang presyo.

Sa price list ng isang tindahan na galing sa kanilang supplier, makikita na halos P2 ang itinaas ng 300ml na bote ng soft drinks.

Ito'y matapos simulan ang pagpapatupad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang pagtatapos ng 2017.

Sa ilalim ng batas, babawasan ang income tax ngunit tataas naman ang excise tax sa ilang produkto tulad ng sugar-sweetened drinks at petrolyo.

Nagbabala naman ang ilang eksperto na bantayang maigi ang presyo para hindi abusuhin ng mga negosyante ang bagong sistema ng buwis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.