Legazpi City, 5 bayan sa Albay lubog sa baha

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 05:11 PM | Updated as of Jan 04 2018 12:44 AM

LEGAZPI CITY, Albay - Lubog sa baha ang ilang bayan sa Albay dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa probinsya, Miyerkoles.

Ayon sa lokal na pamahalaan, kanselado na ang mga panghapon na klase sa Legazpi City, at mga bayan ng Santo Domingo, Manito, Tabaco, Ligao, at Pio Duran dahil lampas tuhod na ang baha sa ilang lugar.

Ayon sa mga awtoridad, ang masamang panahon na nararanasan sa probinsya ay dulot ng tail end of a cold front at ilang ulap na dala ng bagyong Agaton.

Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Agaton, Miyerkoles ng umaga, matapos manalasa sa ilang bahagi ng Palawan, Visayas, at Mindanao.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.