PatrolPH

Rizal Park napuno ng basura matapos ang Bagong Taon

Anna Gabrielle Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2022 11:48 AM

MAYNILA - Maraming basura ang tumambad ngayong Linggo sa Rizal Park kasunod ng pagdiriwang ng Bagong Taon noong sinundang araw.

Tulad ng mga nakaraang taon bago mag-pandemiya, maraming basura pa rin ang iniwan sa parke ng mga namasyal at nagdiwang ng Bagong Taon doon.

Nang magbukas ang Rizal Park nitong alas-5 ng madaling araw, nagkalat ang mga naiwang bote, plastik , tirang pagkain at face mask.

Pero ang mga kalat sa pasyalan ay hindi naman sindami noong panahon ng bago ang pandemiya, kung kailan gambundok ang tambak ng basura.

May ilang bahagi ng parke rin ang malinis na nang buksan ito, tulad ng sa paligid ng fountain at monumento.

Tuloy-tuloy naman ang mga kawani ng parke sa pagpulot at pagligpit ng mga basura sa lugar.

Sa ngayon, hindi pa sinasabi ng lokal na pamahalaan ng Maynila kung ilang tonelada ng kalat ang kanilang nakuha mula sa naturang pasyalan.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.