Unang oil price hike para sa 2021 nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2021 05:22 PM

MAYNILA - May kapiranggot na taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

 Inaasahang pagtaas sa presyo ng gasolina: 

  •  Kerosene - P0.30- P0.40/litro
  •  Diesel - P0.30- P0.40/litro
  •  Gasolina - P0.20-P0.30/litro

Ang diesel at kerosene, may P0.30 hanggang P0.40 kada litrong taas-presyo. 

Samantala, P0.20 hanggang P0.30 ang inaasahang taas-presyo sa gasolina. 

Paliwanag ng mga eksperto, bukod sa kaliwa't kanang pag-uulat tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay lumakas din ang konsumo ng langis sa buong mundo kaya bumaba ang oil inventory ng Estados Unidos.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more on iWantTFC