Mag-ama nalunod sa ilog sa Zamboanga City

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2021 07:24 PM

ZAMBOANGA CITY—Patay ang mag-ama nang malunod sa ilog ng Dumalon sa Barangay Tulungatung nitong Sabado ng tanghali.

Kinilala ang mag-ama na sina Ryan Matapa, 35, at Ryeanne Matapa, 8, ng Zone 7.

Ayon sa ulat ng Police Station 9, sinubukang i-rescue ni Ryan ang kaniyang anak mula sa pagkakalunod pero hindi na muling umahon ang dalawa.

Wala nang buhay nang matagpuan ang mag-ama matapos ang higit kumulang isang oras. 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.