PatrolPH

Galing sa bansang may bagong COVID-19 variant? Narito ang ilang paalala

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2021 05:59 PM | Updated as of Jan 02 2021 06:25 PM

Galing sa bansang may bagong COVID-19 variant? Narito ang ilang paalala 1
Kakaunti lang ang tao sa domestic terminal ng Ninoy Aquino International Airport - Terminal 3 

MAYNILA - Umarangkada na ang mga ipinapatupad na travel restriction sa mga bansang may iniulat na kaso ng bagong coronavirus disease (COVID-19) variant. 

Ayon sa mga panuntunan na inilabas ng mga awtoridad, bawal nang pumasok sa Piilipinas ang mga dayuhang galing sa 20 bansa hanggang Enero 15. 

 Listahan ng mga bansang may travel restrictions

  • United Kingdom
  • Australia
  • Canada
  • Denmark
  • France
  • Germany
  • Hong Kong
  • Iceland
  • Ireland
  • Israel
  • Italy
  • Japan
  • Lebanon
  • Singapore
  • South Africa
  • South Korea
  • Sweden
  • Spain
  • Switzerland
  • The Netherlands

Kung Filipino, isasailalim sila sa swab test, at ipapadala sa quarantine facility para mag-quarantine nang 14 araw, kahit pa magnegatibo sila sa swab test.

 

Watch more News on iWantTFC

"Pagka-swab nila sa taas, bababa sila, nakaisolate sila, diretso agad sa bus. Hindi sila sinasali doon sa land-based na hindi red flag,"ani Christian Luis Apolinar, airport officer ng Overseas Workers Welfare Association. 

"May hotel na dedicated sa kanila na pang red flag lang. 14 days sila doon na mga red flag. For red flags lang po na countries," dagdag niya. 

Kung dumaan lang sa mga bansang sakop ng travel restriction, hindi na kailangang manatili sa quarantine, ayon sa Malacañang. Dapat lang manatili sila sa paliparan at hindi pinalulusot ng Immigration. 

Sa isang pahayag, nanawagan naman ang Department of Foreign Affairs sa mga biyahero na ipagpaliban ang kanilang mga biyahe habang may travel restrictions.

Ito umano ay para mabawasan ang dagdag-gastos at mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 variant sa bansa. 

— Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.