PatrolPH

Hinihinalang terorista timbog sa pagbebenta ng baril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2020 03:00 PM | Updated as of Jan 02 2020 03:01 PM

MAYNILA — Naaresto noong Miyerkoles ng mga pulis sa Quezon City ang isang hinihinalang miyembro ng lokal na teroristang grupo dahil sa umano ay ilegal na pagbebenta ng baril.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Datu Omar Palty, alyas "Allan Palte," 26, na residente ng Pasig City at sinasabing miyembro ng Daulah Islamiyah group.

Nakipagkita ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na bibili ng baril sa Barangay North Fairview sa Quezon City, ayon sa pulisya.

Hinuli ng mga pulis ang suspek matapos nitong iabot ang kalibre .45 na baril at tanggapin ang P10,000 na marked money.

Kinasuhan si Palty ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at illegal possession of explosives.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.