16 na miyembro ng pamilya sugatan sa aksidente sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2020 02:07 AM

Pototan Municipal Police Station

ILOILO — Sugatan ang nasa 16 na miyembro ng pamilya matapos mahulog ang kanilang sinasakyang jeep sa gilid ng kalsada sa bayan ng Pototan, Iloilo Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Police Staff Sgt. Amando Caporal ng Pototan Municipal Police Station, nawalan umano ng kontrol ang drayber kaya nahulog ang sasakyan sa Barangay Malusgod alas-4 ng hapon.

Galing sa bayan ng Dueñas ang buong pamilya at pauwi na nang mangyari ang insidente.

Nananatili sa ospital ang isang biktima habang nakauwi na ang iba pa matapos magamot.

Dahil magkakapamilya, pumirma ang mga sugatan ng affidavit of non-interest sa pagsampa ng kaso laban sa drayber. — Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.