Babae, umaming nagnanakaw ng gadget para makabili ng droga

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2018 10:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang isang babaeng suspek sa pagnanakaw ng mga cellphone at iba pang gadgets na kaniyang ibinebenta para umano may pambili siya ng ilegal na droga.

Nahuli ang suspek na si Rosal Lacambra matapos looban ang "barracks" o tinutuluyan ng mga taxi driver sa Barangay Gen. T. De Leon sa Valenzuela.

Naaktuhan pa siya habang sinisikwat ang cellphone ng ilang drayber.

Bago nito, pinasok din ng suspek ang isang bahay sa parehong barangay at tumangay ng P60,000 halaga ng cellphone at tablet noong Disyembre 21. 

Ayon sa suspek, ibinebenta niya ang mga gadget para may pambili ng shabu. 

Pero paminsan-minsan lang naman daw niya ito ginagawa.

Desidido naman ang may-ari ng niloobang bahay na kasuhan ang suspek.

Nahaharap sa reklamong pagnanakaw si Lacambra.

-- Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.