82 barangay lubog sa baha sa Capiz

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2018 10:51 AM | Updated as of Jan 02 2018 08:02 PM

ILOILO CITY – Hindi bababa sa 82 barangay ang apektado ng baha sa Capiz matapos ang malalakas na pag-ulan.

Umapaw ang mga taniman at pansamantalang hindi madadaanan ang ilang kalsada sa mga bayan ng Panitan, Sigma, Maayon, Cuartero, Dumalag at Dao, sabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ilang pangunahing daan na nag-uugnay sa Kalibo at Iloilo ay hindi rin muna madadaanan dahil sa baha.

Patuloy na nakakaranas ng malalakas na hangin at madalas na pag-ulan sa probinsya.

Nakataas ang signal no. 1 sa timog na bahagi ng Iloilo at ilang kalapit na probinsya dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton, sabi ng PAGASA, Martes ng umaga.

Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Miyerkoles ng hapon o Huwebes ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.