MANILA — Sumiklab ang sunog sa isang furniture warehouse sa Barangay Commonwealth, Quezon City ilang minuto lang matapos ang pagpasok ng Bagong Taon.
Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog sa Makisig Street nitong Linggo ng madaling araw.
Wala namang nasugatan at nasawi sa insidente, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Naideklara itong "fire out" bandang alas-3 ng madaling araw.
Ayon sa lider ng purok na si Gina Porqueriño na nakasaksi rin sa sunog, maaaring umanong debris ng paputok ang sanhi nito.
“Nagkakasiyahan kami at nakatutok kami sa fireworks sa katabing bahay… pagpatak ng fireworks niya, bumagsak sa [warehouse] at biglang nag-apoy,” aniya.
Tumangging magbigay ng panayam ang isa sa mga may-ari ng warehouse.
Patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang sanhi ng sunog, at kung magkano ang kabuuang pinsala sa warehouse.
—Ulat ni Job Manahan, ABS-CBN News
BALIKAN:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.