PatrolPH

Lalaki pinagbabaril ang mga nakaalitan sa Bagong Taon; 3 patay

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2022 06:18 PM

MAYNILA — Patay ang 3 tao habang ginagamot naman ang 4 iba pa matapos silang paulanan ng bala ng lalaking nakaalitan nila nitong Sabado ng madaling araw sa pagdiriwing ng Bagong Taon.

Nangyari ang krimen sa Makati City pasado alas-2 ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Roderick Perez, 41, isang safety and emergency medical service officer.

Ayon sa Makati police, nagsimula ang alitan nang hindi makadaan ang motorsiklo ni Perez, angkas ang 12-anyos na anak, sa eskinita dahil sa umano'y nag-iinumang grupo.

Nagtalo ang 2 partido at tila nagkaayos na. Pero inuwi lang pala ni Perez ang anak at bumalik sa grupo para pagbabarilin ang mga ito.

Patay sina Raymund Libaton, 52; Petronio Del Rosario, 50; at Francis Lloyd Libaton,.

Samantala, ginagamot naman dahil sa tama ng mga bala ang 4 pang biktima.

Sumuko naman ang suspek. 

Sasampahan ng kasong murder at attempted murder si Perez.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.