Iba't ibang pagsalubong sa 2022 nagpasigla sa bansa

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2022 09:41 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA - Nasa 500 fully-vaccinated na mga indibidwal at mga pamilya ang sumalubong sa bagong taon sa countdown concert sa Quezon City Memorial Circle. 

Concert din ang sumalubong sa bagong taon sa isang entertainment center sa Pasay City para muling pasiglahin ang live performance industry na lubhang naapektuhan ng pandemya. 

Ibinalik naman ang tradisyon ng 'dazzling star drop' sa isang mall sa Quezon City, pati ang magarbong fireworks display pagsapit ng bagong taon. 

Mas marami rin ang nagpaputok sa Tacloban kumpara noong nakaraang taon. 

Nasa 17 ang naitalang sugatan dahil sa paputok sa Easter Visayas, pero ayon sa kapulisan, "generally peaceful" ang pagsalubong sa bagong taon. 

Nagliwanag rin ang kalangitan sa Surigao City at Tagum City. 

Marami rin ang dumalo sa unang misa ng taon sa Manila Cathedral. Marami sa mga dumalo, umaasang babalik na ang mga dating tradisyon kahit na umaakyat muli ang bilang ng kaso ng COVID-19.