PatrolPH

Hotel na 'tinakasan' ng COVID-19 positive na pumarty nag-sorry

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2022 09:36 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Tuloy ang contact tracing ng mga awtoridad sa mga nakasalamuha ng COVID-19 positive na balikbayang lumabag sa quarantine at naki-party sa Poblacion, Makati City kamakailan. 

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na 5 sa mga nakahalubilo ni Gwyneth Chua ang nagpositibo sa COVID-19.

Tiniyak naman ng Philippine National Police na susuyurin ang lahat ng impormasyong may kaugnayan sa insidente.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang Berjaya Makati Hotel dahil sa kapalpakan umano nitong bantayan si Chua.

"The management sincerely apologizes for failing to stop the guest from jumping her quarantine. This was the only incident of its kind in the nearly 2 years that we have served as a quarantine hotel, and we will make sure that it is the last," anila. 

Nakikipagtulungan umano sila sa mga awtoridad.

Disyembre 22 nang dumating at magcheck-in sa nasabing hotel si Chua para sa kanyang quarantine.

Pero Disyembre 23 nang makita umano itong nagpa-party sa Poblacion. Disyembre 26 nang sumailalim siya sa swab test at lumabas na positibo sa COVID-19 kinabukasan.

Disyembre 29, inilipat si Chua ng quarantine facility.

Una nang iginiit ng DILG na may pananagutan ang Berjaya sa nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.