PatrolPH

Farm worker sa Bukidnon tinamaan ng ligaw na bala sa tiyan

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2022 04:44 PM

QUEZON, Bukidnon — Sugatan ang farm laborer na si Joshua Ramboan, 25, matapos tamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng bagong taon noong Biyernes. 

Nangyari ang insidente sa Purok 3A, Sisiman, Barangay Lumintao. 

Naglalakad papunta sa bahay ng kanyang kapatid ang biktima nang makaramdam ng sakit at pagdurugo sa kanyang tiyan. 

Agad itong dinala ng Quezon Rescue Team sa Bukidnon Provincial Hospital sa bayan ng Maramag at doon natuklasang ligaw na bala pala ang tumama sa kanya.

Nitong Sabado ng umaga ay inoperahan si Ramboan at natanggal ang slug ng caliber 45 na bala.

Iniimbestigahan na ng Quezon Municipal Police Station ang pangyayari at pagkilala sa responsable sa naturang indiscriminate firing.

— Ulat ni PJ dela Peña

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.