PatrolPH

3 patay, 13 pamilya apektado sa sunog sa Caloocan

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2022 10:58 AM

Tatlo ang nasawi sa naganap na sunog sa Caloocan City nitong unang araw ng bagong taon Sabado.

Nangungupahan lang ang mga biktima na kinikalang sina Ashea Robil, Joseph Hernandez at isang sanggol sa bahay na nasunog.

Bandang 4:22 a.m. nang sumiklab ang apoy sa Malonzo compound sa Barangay 49.

Higit 1 oras bago nagdeklara ng fire-out bandang alas-5:29 a.m.

Ayon sa spot report na inilabas ng Bureau of Fire Protection, 3 bahay ang tinupok ng apoy habang 13 pamilya, o 41 indibidwal, ang naapektuhan.

Walang naman ibang nasugatan sa insidente habang nasa P50,000 ang halaga ng pinsala ang idinulot nito. 

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.