PatrolPH

Babaeng sanggol itinuturing na 'New Year' baby sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2020 10:40 PM

Babaeng sanggol itinuturing na 'New Year' baby sa Davao City 1
Claire Cornelio, ABS-CBN News

DAVAO CITY — Isinilang alas-12 ng hatinggabi ang isang sanggol na babae sa Southern Philippines Medical Center nitong siyudad.

Pinangalanang Amira Rits ang sanggol na may timbang na 2.8 kilos.

"Amira kasi sa pangalan ng papa niya. Rits dahil Year of the Rat," ani Jell Cajera, nanay ng bata.

Hindi inaasahan ng 30 anyos na nanay na manganganak siya ngayong Bagong Taon dahil sa Enero 6 pa niya ito inaasahan.

Pangarap ni Cajera na lumaking may respeto at takot sa Diyos si Amira Rits na ikalawa niyang anak.

Mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-12 Miyerkoles ng tanghali, 8 iba pang sanggol ang isinilang sa mismong ospital. — Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.