700 katao lumikas sa baha sa Toledo, Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2018 04:05 PM | Updated as of Jan 01 2018 08:53 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

TOLEDO CITY, Cebu - Hindi bababa sa 700 tao ang lumikas, matapos malubog sa baha ang 16 barangay ngayong Lunes, Bagong Taon, dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Pansamantalang namamalagi sa Toledo City Gym ang mga nagsilikas na residente, kung saan sila binigyan ng food packs, ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Council ng Toledo.

ABS-CBN News

Samantala, gumuho ang isang bahagi ng pader ng Magdugo National High School nang biglang bumulusok ang agos ng baha.

Malaki ang sira ng paaralan dahil sa kawalan ng maayos na drainage system, sabi ng mga awtoridad.

ABS-CBN News

Sa Barangay Upper Landahan, natabunan ng gumuhong lupa ang isang bahay dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Walang nasaktan sa insidente, ngunit pansamantalang hindi madadaanan ang ilang bahagi ng lungsod dahil sa mga landslide.

Inaasahang magiging bagyo Lunes ng hapon o Martes ng umaga ang isang low pressure area na magdudulot ng pag-ulan sa timog na bahagi ng bansa.

Mabilis na makakaalis sa Philippine Area of Responsibility ito at inaasahanag gaganda ang panahon sa Visayas at Mindanao simula sa Miyerkoles, ayon sa PAGASA.

ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.