2 sundalo, sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Jasper Acosta, ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2018 02:12 PM

DATU HOFFER, Maguindanao – Dalawang sundalo ang sugatan matapos sumabog ang isang improvised explosive device sa gilid ng isang kalye sa Barangay Limpongo, Lunes.

Nagtamo ng mga sugat sina PFC Nelmar Roquero at PFC John Mark Roquero na magdadala sana ng mga relief goods para sa mga pamilyang apektado ng bakbakan sa pagitan ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at komunidad ng mga Tiduray sa lugar.

Maaaring gawa ng mga miyembro ng BIFF ang IED, ani Capt. Arvin Encinas, tagpagsalita ng 6th Infantry Division.

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

Subalit itinanggi naman ng BIFF na sila ang may pakana ng pagsabog.

Maaaring ibang grupo ang naglagay ng IED doon, ani Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.