2 patay, 2 sugatan sa pagsalpok ng van sa pader sa Iloilo

Jenel Baclay, ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2018 09:55 AM | Updated as of Jan 01 2018 10:00 AM

ABS-CBN News

JARO, Iloilo - Dalawang lalaki ang namatay habang 2 iba pa ang sugatan matapos bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang pader sa Barangay Tacas, Lunes ng madaling araw.

Dead on arrival sa ospital ang driver na si Robert Villamor at isang 'di pa nakikilalang lalaki. Nagtamo naman ng mga sugat sina Evaniel Buyco at Michael Montelibano.

Nag-overshoot ang van sa kalye at tuloy-tuloy na bumangga sa isang perimeter wall, sabi ng saksi na si Trishia Mae Dominguez.

ABS-CBN News

Ayon sa mga sakay ng van, papunta sana sila sa districto ng Arevalo ng mawalan umano ng kontrol ang driver, ani PO3 Jeffrey Janay.

Iniimbestigahan ng mga pulis kung nag-overspeeding ang driver, o 'di kaya ay nagmaneho ng lasing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.