2 patay, 17 sugatan sa pagsabog ng granada sa Sultan Kudarat

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2018 03:06 PM

Binulabog ng pagsabog ang hanay ng mga videoke bar na nakahilera sa isang kalsada sa Barangay Buenaflor, Tacurong City. Dalawa ang patay habang 17 ang sugatan sa insidente. Kuha ni Francis Canlas, ABS-CBN News

Dalawa ang patay habang 17 ang sugatan matapos sumabog ang 2 granada sa isang hanay ng mga videoke bar sa tabi ng kalsada sa Tacurong City, Sultan Kudarat Linggo ng gabi.

Itinapon ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang mga granada bandang alas-11 ng gabi, batay sa imbestigasyon ng Tacurong police.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dominador Datahan, isang barangay tanod, at si Suharto Al, isang kostumer.

Walang nakapansin sa nagtapon ng granada dahil sa dami ng tao sa lugar, ayon kay Supt. John Patrick Aggabo, hepe ng Tacurong police.

Patuloy ang ng imbestigasyon sa insidente. Tinitingnan rin kung konektado ang insidente sa pagsabog sa katabing probinsya ng Maguindanao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.