3 sundalo tiklo dahil sa pagpapaputok ng baril sa Bagong Taon

Noel Alamar, DZMM

Posted at Jan 01 2017 03:49 PM

MANILA - Naaresto ang tatlong miyembro ng Philippine Army matapos magpaputok ng kanilang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Mansalay, Oriental Mindoro, Sabado ng gabi. 

Kinilala ni Senior Superintendent Christopher Birung, hepe ng Oriental Mindoro police, ang mga suspek na sina Privates First Class Kevin Kevin Fajilagutan, Leonard Magro at John Rey Calansa, pawang mga miyembro ng 514th Engineering Construction Batallion ng 51st Engineering Brigade.

Ayon kay Birung, nagpaputok ng tatlo ng kanilang mga kalibre .45 service firearm sa Barangay Roma, dahilan para madaplisang ng bala ang residenteng si Nymar Villanueva. 

Isnilang na ng pulisya sa imbetigasyon ang tatlong sundalo.