Grupong kontra-NPA nagsagawa ng candle lighting protest sa Quezon City
Wheng Hidalgo, ABS-CBN News
Posted at Oct 29 09:13 PM
Sa Quezon City naman dinala ng League of Parents of the Philippines at Liga Independencia Pilipinas ang kanilang patuloy na pag-alala sa mga namatay sa bansa dulot ng karahasan. Sa UP Diliman at sa Tomas Morato Memorial o Boy Scouts Circle ginawa ang candle lighting at pagdadasal, matapos ang kanilang pagkilos kahapon sa Maynila. Patuloy ang kanilang panawagan sa NPA na tigilan na ang recruitment sa mga kabataan.
Read more »