What are you: Martial Law Baby or EDSA Baby?

By Arlene Burgos, ABS-CBNnews.com

Posted at Feb 24 2014 05:54 PM | Updated as of Feb 26 2014 12:58 AM

Photo courtesy of The Eggie Apostol Foundation

MANILA – There is a generation of Filipinos whose concept of EDSA conjures fears of monstrous traffic jams that require urination bags in the car.

And then there is the generation before that who knew EDSA as the highway where you had to stop armored personnel carriers on their tracks to gain freedom.

What sets these two generations apart tells the story of a nation: the journey toward emancipation from 14 years of martial law to the world's first popular bloodless revolution.

And the years in between saw the rise and fall of malls that served as cultural touchstones, fashion trends that came and went, and children who learned about the bitterness of censorship through a Japanese cartoon series whose end they would not see until they have children of their own.

To what side of history do you belong? Did you get to see Voltes 5’s end as a kid or as a parent?

Read on and find out: Were you a Martial Law baby? Were you someone born between the time Ferdinand Marcos became president and when Martial Law was formally lifted in 1981? Or were you born after the downfall of the Marcos regime in 1986 -- an EDSA baby? Go through this 28-item collection of facts and find out.

1) Martial Law Baby ka kung alam mo ang lumang OPM nina Jim Paredes, Buboy Garovillo at Danny Javier ng the APO Hiking Society. Pero EDSA Baby ka kung ang nakilala mo nang APO ay ang Apo sa “Sa Linggo nAPO Sila,” the Sunday noontime show that later went daily and became “’Sang Linggo nAPO Sila.”

2) Martial Law Baby ka kung alam mo ang linyang “Para sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan” na idinudugtong sa komedyanteng si Ariel Ureta. EDSA Baby ka kung urban legend na ang dating ng kwentong pinagbisikleta si Ureta sa Camp Crame. At ayon kay Ureta, ito ay urban legend nga lang.

3) Martial Law Baby ka kung "Kulit Bulilit" ang children’s show na alam mo at nagawa mo pang makipag-unahan sa pagsagot sa mga tanong sa quiz bee ng noo’y presidential daughter na si Imee Marcos. Pero kung kilala mo sina Ate Sienna, Kuya Bodgie, Pong Pagong, Kiko Matsing, Ningning at Gingging, “Batibot” na ang inabot mo at ikaw ay isang EDSA Baby.

4) Martial Law Baby ka kung "Kaluskos Musmos" ang youth-oriented show mo at nakikikanta at sayaw ka sa mga teen stars ng panahong iyon gaya nina Maricel Soriano at Herbert Bautista. Kung "That’s Entertainment" na ang pinanonood mo, EDSA Baby ka.

5) Martial Law Baby ka kung isa ka sa mga sumubaybay ng game show na “Kwarta o Kahon” ni Pepe Pimentel. EDSA Baby ka kung ang inaabangan mo na ay ang “Pera o Bayong” segment ng "Magandang Tanghali Bayan."

6) Sa TV pa rin… Martial Law baby ka kung nahumaling ka sa "John en Marsha": ang Dolphy-Nida Blanca starrer comedy na tumatalakay sa buhay ng tipikal na pamilyang Pilipino – humaharap sa mga pagsubok, nauubusan ng pera at pagkakataon, pero hindi nauubusan ng pag-asa. EDSA Baby ka kung ang pinanonood mo na ay ang asaran ng mga karakter sa "Palibhasa Lalake" at "Abangan ang Susunod na Kabanata" – mga palabas matapos mabawi ang kalayaan sa pamamahayag.

7) Samantala, sa mundo ng politika, nakapukaw ng atensyon ng mga Martial Law Babies ang isang cute na batang nakikita sa mga rallies ng oposisyon sa dulo ng dekada ’70. Pero si Kris Aquino, bunso ni opposition senator Ninoy Aquino at asawang Cory, ay gagawa ng hindi matatawarang marka hindi sa politika, kundi sa pelikula at daigdig ng entertainment. EDSA Baby ka kung naaalala mo ang "Pido Dida" ni Kris, at ang kanyang pagkakalaglag mula sa stage habang ipino-promote ang pelikula nilang ito ng yumaong komedyante na si Rene Requiestas.

8) On the big screen, a movie called "Bagets" made waves. Martial Law baby ka kung ito ang definitive coming-of-age movie para sa iyo. Sa mga susunod na dekada ay maraming magtatangkang pumantay sa pagka-iconic ng pelikulang ito. EDSA Baby ka kung sa "Jologs" ka na nahumaling.

9) Martial Law Baby ka kung pinanonood mo ang mga pelikula sa isang sinehan na mayroon pang tinatawag na "balcony," "loge" o "orchestra." Sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang mga ito, at sa panahon ng EDSA Babies ay isang beses na lang maaaring mapanood ang pelikula, imbes na paulit-ulit habang nakababad ka sa malamig na sine sa buong araw.

10) Pinapalipas ng Martial Law Babies ang oras sa bahay sa pamamagitan ng panonod ng Betamax; EDSA Baby ka kung tumawid na ang teknolohiya ng pagka-couch potato at ang ka-partner na ng iyong junk food ay VCD at ngayon, DVD. At ‘pag ganyan, malamang hindi mo na makuha ang relevance ng mga katagang, “Be kind; rewind.”

11) Martial law baby ka kung ang sex sirens ng iyong panahon ay sina Alma Moreno at Lorna Tolentino. Sa pag-usad ng mga taon, uusbong ang bagong henerasyon ng mga diyosa sa puting tabing, at isisilang ang ‘ST’. EDSA Baby ka kung ang kinahuhumalingan ng iyong henerasyon ay sina Gretchen Barretto at Rita Avila.

12) (Karugtong ng #11…) Martial Law Baby ka kung kumakanta ka ng “Seiko, Seiko Wallet… Ang wallet na maswerte…” Pero EDSA Baby ka kung ang kilala mong Seiko ay ang Seiko Films na producer ng mga pelikulang nakakagutom, at nakakakiliti sa imahinasyon, gaya ng "Patikim ng Pinya," "Kesong Puti," "Talong," "Kangkong," at "Itlog."

13) EDSA Baby ka kung ang paborito mong banda ay ang Eraserheads. Nahumaling sa pakikipag-"Huling El Bimbo" ang mga batang isinilang matapos ang Edsa at naging pambansang awit ng Edsa Babies ang "Pare Ko." Martial Law Baby ka kung naisayaw mo ang El Bimbo at may plaka ka pa ng original version nito ng grupong Bimbo Jet.

14) Martial Law Baby ka kung nangongolekta ka ng mga ‘long playing album’ at ang mga paborito mong kanta ay nasa ‘45.’ EDSA Baby ka kung CD na ang iyong pinakikinggan, at hindi mo alam kung gaano kaimportante ang Mongol pencil sa nagmamarakulyong cassette tape player.

15) Pagdating sa epic sports rivalry, pinainit ng Crispa-Toyota ang mga gabi ng Martial Law Babies na nahuhumaling sa basketball. Nasa Toyota pa noon si Robert Jaworski at ang sidekick niyang si Francis Arnaiz. EDSA Baby ka kung Purefoods o Ginebra ang favorite PBA team mo. Playing-coach na si ‘Jawo’ at player niya sa Ginebra (later sa Añejo Rhum team) ang anak niyang si Dudut. (Pahabol: Sa kamalayan ng mga anak na ng Edsa Babies, si Jaworski ay isang senador, na siyang biyenan naman ni Mikee Cojuangco na naging kabiyak ni Dudut.)

16) Martial Law Baby ka kung nakapag-bowling at bilyar ka pa sa V.V. Soliven Tower sa Edsa at Annapolis Street sa Greenhills dahil puno lagi sa Greenlanes. Para sa mga EDSA Baby, ang gusaling ito ay matagal ng condemned at ngayon nga’y tuluyang inalis at tatayuan na ng condominium.

17) Martial Law Baby ka kung sumakay ka sa Love Bus na bumabaybay mula Makati hanggang Ali Mall sa Cubao, na hindi na inabot ng mga sumunod na henerasyon. EDSA Baby ka kung lumaki ka na may LRT na sa kahabaan ng Taft Avenue, ang unang modernong tren sa Pilipinas.

18) Martial Law Baby ka kung hinihiling mo nang masira para mapalitan na ang Gregg shoes mo na ilang taon mo nang ginagamit ay hindi pa rin napupudpod. At para sa P.E. naman, ang suot mo ay ‘yung tatak Grosby. EDSA Baby ka kung nalasap mo na ang malawak na range ng mga mapagpipilian at pamilyar na sa ‘yo ang brands gaya ng Rusty Lopez at Nike.

19) EDSA Baby ka kung Miriam College na ang tawag sa dating Maryknoll na katabi ng Ateneo sa Quezon City na kinagisnan ng mga Martial Law Babies. Pinalitan ang pangalan nito nitong 1989 lamang.

20) Martial Law Baby ka kung nakapag-field trip ka pa sa Greenbelt Aviary sa Makati na nasa likod ng lumang Ayala Museum. Malapit din ito sa kauna-unahang Shakey’s pizza parlor sa Pilipinas na nagbukas noong dekada ’70 at may lumang tema pa.

21) Martial Law Baby ka kung nakipila ka pa sa Manila Film Center para makapanood ng mga “bold” na pelikula tulad ng “Scorpio Nights.” EDSA Baby ka na kung nagpupunta ka sa Film Center para mag-ghost hunting kasama ang mga Spirit Questors.

22) Martial Laby Baby ka kung naaalala mo pa ang mga linyang “Napakasakit, Kuya Eddie” na hango sa advise show ni Eddie Ilarde sa radyo. EDSA Baby ka kung mas pamilyar sa ‘yo ang linyang “Dear Ate Charo” na sumikat dahil sa seryeng “Maalaala Mo Kaya” ni Charo Santos-Concio sa ABS-CBN.

23) Martial Law Baby ka kung namimili kayo sa Good Earth Emporium at Syvel’s at ang SM ay department store pa lamang. EDSA Baby ka na kung mas kilala mo ang SM na may-ari ng mga naglalakihang mall.

24) Martial Law Baby ka kung single-digit pa ang palitan ng dollar sa piso ($1=P4-P8). EDSA Baby ka kung hindi na ito bumaba pa sa double-digits at umabot pa nga sa $1=P50 noong 2001.

25) Martial Law Baby kung kilala mo si Budji Layug sa pangalang Budjiwara, isang sikat na hairstylist na na-immortalize pa sa kantang “Bongga Ka Day” ng Hotdog (“Buhok mo’y Budji, talampaka’y Gucci”). EDSA Baby ka kung tanyag na furniture designer na si Layug.

26) Isang tambayan ng kabataan noong dekada ’70 ay ang Quad mall sa Makati. Pero EDSA Baby ka kung ang inabot mo na ay Glorietta sa lugar na ito.

27) Martial Law Baby ka kung naabutan mo pa ang malaking Tropical Hut sa kanto ng Edsa at Ortigas Avenue. EDSA Baby ka kung Robinsons Galleria na ang tambayan mo sa Edsa-Ortigas.

28) Martial Law Baby ka kung naabutan mo na ang Channel 2 ay BBC pa at ang theme song nito ay “Big Beautiful Country.” Naging ABS-CBN lang ito muli noong 1986 nang makabalik ang pamilya Lopez pagkatapos ng People Power Revolution. Ang ngayo’y ABS-CBN compound ay dating opisina ng PTV 4 noong panahon ng mga Marcos at inatake ito ng taong bayan at rebeldeng sundalo noong Edsa Revolution.

And then there are things that seem to be destined for immortality, and stand – even defy – the test of time.

Some things never change: You would still buy stuffed toys and those other cute items from Blue Magic; Imelda Marcos remains, well, ‘imeldific’; Max's signature fried chicken remains the same; and Kuya Germs is still a Master Showman with possibly the most colorful suits to ever grace Philippine television.

Filipinos on Twitter shared their thoughts on being a Martial Law or EDSA baby:

Click "Comments" to see what people had to say on Facebook about being a Martial Law or EDSA baby: