MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Paano nagsimula ang pagkahilig ng mga Pinoy sa beauty pageants?

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2023 10:20 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Sa pag-arangkada ng Miss Universe season, abala ang pageant fans, kabilang na ang mga Pinoy, sa pagsuporta sa kanilang pambato.

Si Michelle Marquez Dee ang kandidata ng bansa sa 72nd Miss Universe na gaganapin sa El Salvador. 

Sa Spanish colonial period pa nagsimula ang pagkabighani ng mga Pilipino sa beauty pageants sa mga taunang Santacruzan tuwing Mayo.

Taong 1964 naman nagsimula ang pagsali ng Pilipinas sa Miss Universe nang ilunsad ang Binibining Pilipinas ni Stella Araneta.

Ang mga nagwawagi rito ang ipinadala sa Miss Universe hanggang 2019 nang hawakan na ang franchise ng Miss Universe Philippines.

Nakapagpanalo na ang bansa ng 4 na Miss Universe queens–sina Gloria Diaz noong 1969, Margie Moran noong 1973, Pia Wurtzbach noong 2015, at Catriona Gray noong 2018.

Sa hilig ng mga Pilipino sa pageants, tumatak na rin ang sagot sa mga tanong na nagpanalo sa Miss Universe titleholders.

– Ulat ni Ganiel Krishnan, Patrol ng Pilipino