MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Iba-ibang klase ng kape sa Pilipinas, tikman

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2023 10:11 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Kinasanayan na ng mga Pilipino na uminom ng kape sa iba-ibang oras.

Mayroong apat na major varieties ng coffee berries: Robusta, Liberica o barako, Excelsa, at Arabica. 

Ang pinanggalingan, paraan ng pag-ani, at lasa ay ilan sa mga pagkakaiba ng mga klase ng kape. 

Nakatutulong ang kape sa cardiovascular health at sa paglaban sa ilang mga sakit tulad ng Type 2 diabetes, Parkinson's Disease, at liver cancer, ayon sa pag-aaral.

Batay rin sa pagsusuri, ligtas uminom ng hanggang 400 milligrams ng caffeine bawat araw o katumbas ng apat na tasa (945 ml) ng kape para sa mga healthy adult. 

Inirerekomenda pa rin ang sapat lamang na pagkonsumo ng kape para hindi makaranas ng negatibong side effects.

– Ulat ni Michael Delizo, Patrol ng Pilipino