MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Tikman ang mga hain ni Fil-Am chef Marge Manzke

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2023 10:21 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Ibinida ng award-winning Fil-Am chef na si Margarita "Marge" Lorenzana-Manzke ang dalawa sa kanyang mga restaurant sa Los Angeles, California—ang République at Sari Sari Store.

Noong Hulyo, ginawaran si Manzke ng James Beard Foundation Award na Outstanding Pastry Chef/Baker para sa République.

Naging inspirasyon niya ang mga naging karanasan sa pagtulong sa mga magulang sa dating kainang "turo-turo" upang magtayo ng sarili niyang mga restaurant.

Nais din niyang makilala ang Filipino cuisine sa ibang bansa at bigyan ito ng sarili niyang timpla.

— Ulat ni Steve Angeles, Patrol ng Pilipino