MULTIMEDIA

Fil-Am doctor, ginawang Barbie role model

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2021 08:39 PM

Watch more News on iWantTFC

Isang Filipino-American na doktor sa Amerika ang kinilala ng doll brand na Barbie bilang bayaning frontliner ngayong pandemic. Siya ay si Dr. Audrey Sue Cruz. At bilang isa sa anim na frontliner na bahagi ng #ThankYouHeroes collection ng Barbie, ginawan din siya ng manika na kamukhang-kamukha niya.