MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Silipin ang award-winning 'OB Ranger’ ng ABS-CBN News
ABS-CBN News
Posted at Jul 01 2023 03:01 PM
MAYNILA — Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, mas madali nang makahanap ng paraan para makapaghatid ng live reports at video na “broadcast quality” pa rin.
Isa sa mga alas ng ABS-CBN News sa pagbabalita sa field ang outside broadcast o OB Ranger na binuo in-house noong 2022.
Kaya nitong magtayo ng multi-camera live setup gamit lang ang pick-up imbes na mga malalaking OB o electronic news gathering (ENG) truck na dating ginagamit ng Kapamilya network.
Bunga ito ng paghahangad ng news team na patuloy na makapaghatid ng de-kalidad na coverage sa kabila ng mga hamon.
Kinilala nitong Hunyo ang OB Ranger project at ang ABS-CBN sa Asia-Pacific Broadcasting Awards nang gawaran ng “innovation award”.
Ulat ni Felix Delos Reyes para sa Patrol ng Pilipino