MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Makatutulong ba ang ‘rage room’ sa iyong galit?

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2023 04:10 PM

Watch more News on iWantTFC


 
MANILA – Nauuso ngayon ang “rage rooms” para sa mga gustong maibuntong ang galit sa ibang bagay. 

Isa sa nagbukas kamakailan ang “Rage Room QC” sa New Manila, Quezon City. 

Hindi lang mga kabataan ang dumadayo rito kundi pati mga professionals na gusto ring mag-vent ng kanilang emosyon.
 
Pero makatutulong nga ba ito upang mapabuti ang pakiramdam?

Mayroon namang pakinabang ang rage rooms tulad ng pagiging stress reliever, sabi ng psychologist/psychiatrist na si Dr. Randy Dellosa.

Pero nirekomenda niyang komunsulta pa rin sa mga propesyonal na doktor kapag nakaranas ng mental health issue.

Dugtong pa ni Dellosa, hindi kaaway ang galit kundi isang tanda na may problemang dapat maresolba.

— Ulat ni Doris Bigornia, Patrol ng Pilipino