MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Pagtakbo, nakaiiwas sa sakit --pag-aaral

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2023 09:57 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Maraming benepisyo sa kalusugan ang pagtakbo para maiwasan ang chronic diseases at maagang pagkamatay dahil sa sakit, ayon sa pag-aaral.

Ipinagdiriwang tuwing ika-7 ng Hunyo ang Global Running Day.

Patuloy ang paghahanap ng runners ng mga espasyong pwedeng pagtakbuhan, gaya ng tinaguriang “Tokwahan” sa Imus, Cavite.

Isa ang pagtakbo sa pinaka-cost effective o matipid na "lifestyle medicine" para hindi dapuan ng karamdaman, ayon sa artikulo sa journal na Progress in Cardiovascular Diseases noong 2017.

Mabisa rin ang pagtakbo ng 30 minuto tuwing umaga araw-araw para mapabuti ang tulog at psychological functioning, batay naman sa pagsusuri sa mga adolescent na inilathala sa Journal of Adolescent Health noong 2012.

--Ulat ni Michael Delizo, Patrol ng Pilipino